Finally, done watching Unofficially Yours!!!
I was really excited to see this film (basta movie ni Lloydie excited ako ^^). May mga scenes na talagang napatawa ako ng bongga (Hello, RomCom nga eh!). Astig din ang ilan sa mga linya ng pelikulang ito. Ito ang ilan sa mga iyon:
"Diba nga mas madali mag-'new life' kapag hindi ka attached?"
"Bakit dyaryo? Bakit hindi nalang tv? Radyo? O Blog?"
"Dahil ang tao ay naghahanap ng mahahawakan, hahaplusin at aamuyin."
"Bakit ka magso-sorry? Ah gusto mo ng round 2?"
"Akala ko ba gusto mo ng bagong buhay?"
"Oo, pero hindi naman ganun kabago."
"Alam mo ang choosy mo. Baguhin mo na ang rule, patol na sa ka-work."
"Kung gusto mo maging magaling na reporter, dapat hindi ka matatakot magtanong."
"Ano yan?"
"Coffee."
"Ano ibig sabihin niyan?" "Coffee. Antioxidant."
"Malabo ba?"
"Ang ano?" "Tayo."
"May tayo na pala Cess. Hindi mo man lang sinasabi."
"Seryoso ako. Promise!" "Ingatan mo ang salitang yan ha - Promise... Huwag kang magpromise kung 'di mo kayang gawin."
"Unforgettable kasi wala ka ng hahanapin pang iba. Lahat ng kailangan mo, andun na. Kaya kung idi-describe mo in one word - Perfect."
"Kung gusto mo maging writer, kailangan mong gamitin ang five senses mo."
"Ang sinasabi ko lang 'tol kaya mong i-adjust and buhay mo depende sa buhay ng mahal mo."
"So?"
"Alam naming kaya mong magmahal. Eh, ikaw ba kaya ka bang mahalin ni Cess?"
"Cess, kontento ka na ba talaga sa ganito?"
"Anong ganito lang?"
"Yung ganito lang. Yung casual lang."
"Yung sex lang?"
"Hindi mo ba hinahanap maging in a relationship?" "Hindi rin."
"Bakit?"
"Bakit naman ako kukuha ng ipu-pukpok sa ulo ko? Ang ending nun, hiwalayan lang. Di na uso 'yun ngayon."
"Love? Lilimitahan ka lang niyan. Ang dami-daming magagawa kung hindi ka lilimitahan sa love na 'yan. Higit sa lahat, paiiyakin ka lang niyan."
"Napaiyak ka na?" "Sino ang hindi pa?"
"What if siya lang makakapag-pasaya sa'yo?" "Kaya kong pasayahin ang sarili ko."
"What if I fall in love with you?"
"Hey hey. Eye to eye. Heart to heart."
"Hindi kasama 'yun sa set up niyo. Tsong, ipaintindi niyo sa sarili niyo. Macky, masasaktan ka lang."
"Seryuso, I love her. Handa ako sa lahat, handa ako sa kaya niyang ibigay... At oo, kung mangyari man, handa akong masaktan."
"Hindi pwede yung sino-sino lang. Dapat yung the best."
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin eh."
"I know pero gusto ko."
"Yan kasing set up niyo na ganyan, hindi pwedeng walang ma-in love."
Pwede bang maging tayo na lang? Angel Locsin (Ces): Alam mo? Lahat ng ganyan, ang ending nyan, hiwalayan din. Saka di na yan uso.
"Tama na."
"Alin?"
"Stop being so nice. Lalo mo akong pinahihirapan eh."
"Ganito lang naman ako dahil mahal kita. I'm sorry Cess. Alam kong wala sa usapan yun pero ito na yun eh. Mahal na mahal kita... Hindi ko na rin kaya magkunwari na naiintindihan ko pa kung ano ang meron sa atin. Hindi ko na gusto. Mamahalin kita ng buo. Aalagan kita Cess. Payagan mo lang ako. Pwede pa bang maging tayo?"
"Gustohin ko man, hindi ko kaya."
"Bakit? Huwag na nating gawing kumplikado. Isa lang naman ang tanong dito eh. Mahal mo rin ba ako?"
"Ako ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka, ang maghintay sa'yo at umasang isang araw kakayanin mo ng magmahal ulit. Pero 'wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita."
"Aminin mo na Cess."
"Bakit ganun? Bakit parang hindi ka nag-sasawang masaktan?"
"Hindi naman. Hindi lang ako napapagod magmahal."
"Hindi ka napapagod?"
"Eh paminsan-minsan. Napapagod din, syempre."
"Oh bakit ayaw mong tumigil?"
"Bakit ako titigil? Pwede naman akong huminto sandali."
"Kahit ilang besas ka ng umasa? Masaktan?"
"Oo."
Iniisip ko nga nung una, hindi ako makaka-relate sa movie. I just wanna watch it because of John Lloyd but I was wrong. I will never ever forget these lines:
“Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na ibigay mo, hindi ‘yun hadlang para sa isang tao na ‘yun na saktan ka.” "Grabe. Wasak. Halos wala ng matira sa akin nu'n. Kahit respeto sa sarili ko, tinangay niya na rin 'yun eh. Ang tagal kong bumangon, gumapang... Pinipilit na tumayo. Nabuhay kung ano man yung natitira sa akin. Kaya sinabi ko na hindi na mauulit yun. Pero eto na naman, may isang tao na naman sa harap ko na hinihiling na mahalin ko. Gustong-gusto kitaing mahalin Macky pero natatakot ako. Natatakot ako na baka muli akong masaktan. Wala ng matitira sa akin. Kung nakilala lang sana kita noon, 'nung kaya pa nito (puso). Kaya lang hindi na eh."
– Ces Bricenio
Sa eksenang yan bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ako ang nasa eksena… ramdam ang bawat titik at letra ng mga linyang binitawan. (The one highlighted in blue) Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit at multo ng nakaraan. Nawala sa loob kong nakaupo ako sa loob ng malamig at madilim na sinehan (Kung makaiyak WAGAS! HAHAHA…)
Ano ba yan? Nawala ako bigla. HAHAHA… ibalik na natin sa unforgettable lines ng movie.
"Naniniwala ako na may nakalaan na tao para sa bawat isa sa atin."
"Sa isang daang libong bagay na pinipilit, may isang bagay diyan na hindi mo kayang tanggihan."
"She is loving. She is generous... And she will never give up on you.... She is someone who is selfless enough to share her passion, knowledge and heart."
"There is one final lesson: Higit ka pa sa isang daang libong bagay na pwede kong tanggihan sa buhay ko."
Let’s just keep in mind that THERE IS A SECOND CHANCE. Life will never be fair. There will be times that we fail on our first attempts but we need to understand that it’s okay. Instead of giving up, we must grab the chances presented to us. LIFE PRESENTS GOOD SURPRISES. Sometimes, when we least expect it, the world turns upside down.
Let’s just be positive that someone will ease the pain and will make us feel that we are worth fighting for.
Coffee? ^^